Sunday, August 26, 2007

Carmencita - Agape

Listen

Get this widget | Share | Track details


sa pagkakalugmok sa isang sulok
mga buhok na kumakaway at tumatawag saakin
ang kagandahan mo ay binalot ng misteryo
sinubo ang kadiliman at nginuya ng limot

pagpikit ko'y nandyan ka parin
ngunit dahan dahan natutunaw sa kawalan
ang iyong malamig na titig at ngiti
mananatiling nakaukit saking labi


wag kang lalayo
wag kang mawawala
wag kang magtago
wag kang maglaho

pagnanasang di makamundo
ang aking dugo ay pinatatakbong angkinin ka
takot ay napapalitan ng pang akit
bawat hagupit ng halik
sumpa


pilit maramdaman
lamig at gaspang ng iyong balat
nais kitang hagkan
ngunit napipigilan ng iyong gimbal
nilalason ang iyong ihip
bawat baitang ng hagdanan, patungo sayo, patungo sayo
lalong nililigaw
nililigaw


wag kang lalayo
wag kang mawawala
wag kang maglaho
wag kang magtago

pagnanasang di makamundo
ang aking dugo ay pinatatakbong angkinin ka
takot ay napapalitan ng pang akit
bawat hagupit ng halik
sumpa


ikaw ay di na makakapiglas saakin ( carmencita )
akin na ang puso at kaluluwa mo ( carmencita )
di ka na makakaramdam ng pasakit ( carmencita )
ang buhay ko'y iyo para paslangin

carmencita..
carmencita..
carmencita..



1 comment:

Unknown said...

lolz mali mali at kulang kulang lyrics mu hahaha

Your Ad Here